Tiniyak ng Grab Philippines na hindi nila kinukonsinte ang kanilang driver partner makaraang mahuli sa isang drug buy-bust operation kagabi sa Cubao Quezon City.
Ayon kay Leo Gonzales, Public Affairs Head ng Grab Philippines sa ngayon otomatikong deactivated na ang suspek na si Kristofer Jay Gavino sa kanilang transportation platform at blacklisted na rin sa Grab.
Isinumite na rin ng Grab ang pangalan nito sa LTFRB upang hindi na kailanman makapagmaneho ng pampublikong sasakyan.
Sinabi pa ni Gonzales na patuloy ang kanilang ugnayan sa mga otoridad at nakahandang ibigay ang anumang dokumento na kakailanganin para sa isasagawang imbestigasyon.
Kagabi matatandaang nahuli ang suspek na bumabatak ng shabu sa isang motel sa Cubao Quezon City.
Hawak na ito ng QCPD at nakatakdang ipagharap ng paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act.