Parañaque City – Arestado ang isang empleyado ng city hall at tatlong iba pa matapos mahuling nagpa-pot session at nagsusugal sa Barangay Baclaran, Parañaque City.
Kinilala ang suspek na sina Anthony Abanto, Carlito Antonio Jr., Acmad Dumagay at Rose Marie Rogacion, staff ng Paranaque City Hall.
Ayon kay Paranaque City Chief of Police Senior Superintendent Victor Rosete, nagsasagawa ng oplan galugad ang mga tauhan ng pcp 1 sa Sitio Maligaya nang mahuling nagpa-potsession ang mga suspek.
Nang kapkapan, nakuha sa kanila ang isang plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at baraha na kanilang ginagamit sa pagsusugal.
Facebook Comments