Tuguegarao – Kalaboso ang riding in tandem na mga estudyante matapos manghablot ng cellphone sa Tuguegarao City.
Sa ulat, isang hindi na nagpakilalang babae ang nagreklamo sa Public Order and Safety Unit (POSU) makaraangh hablutin ang kaniyang cellphone ng mga suspek habang naglalakad sa Barangay Buntun Highway Corner Diversion road.
Kaagad hinabol ang itinurong mga suspek kung saan sila ay nahuli at nabawi ang hinablot na cellphone.
Naka-uniporme pa ang dalawang suspek na hindi pa pinapangalanan na estudyante umano ng isang pribadong paaralan sa lungsod.
Facebook Comments