HULI | Suspek sa pagpatay ng Deputy Chief of Police ng Cainta, arestado!

Manila, Philippines – Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa deputy Chief of Police ng Cainta-PNP.

Sa ulat, naaresto ang suspek na si alyas “Ruben” matapos na makatanggap na noise complaint ang istasyon ng pulis sa NCRPO.

Nang mahuli, doon lang din nila nadiskubre na si Ruben pala ang tinutugis na suspek sa pagpatay kay Sr/ Insp. Jimmy Senosin sa nangyaring engkwentro sa Cainta kamakailan.


Inamin naman ng suspek ang insidente pero hindi umano niya sigurado kung siya ang nakapatay sa deputy chief dahil may tatlo pa siyang kasama.

Nakumpiska sa kanya ang isang patalim.

Agad din siyang isinailalim sa medical procedure.

Mamaya, inaasahang darating sa NCRPO ang mga tauhan ng Cainta-PNP para kumpirmahin kung siya nga ang pumatay kay Senosin.

Facebook Comments