HULI | Tatlo, arestado sa buy bust operation sa Taguig City

Taguig City – Hindi na nakapalag pa ang mag-asawa at kanilang kasambahay ng arestuhin ang mga ito sa ikinasang buy bust operation sa isang condominium unit malapit sa barangay hall sa Taguig City.

Nakumpiska sa mga suspek na sina Sangki Makakua Jr., misis nitong si Johaira Mayo at Maricel Constantinoang mga pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P125,000.

Isinagawa ang buy bust operation sa Unit 207, Building 5 ng Maharlika Condominium na 20 metro lang ang layo sa barangay hall sa Maharlika Village sa Pangan Pangandaman Jr. Street.


Narekober pa sa mga kwarto nila ang tatlong sachet ng shabu, timbangan, 9-mm armscor pistol na may sampung bala.

Kunwari pang umiyak ang ginang na si Mayo saka itinapon ang kanyang malong sa bintana pero nadiskubre na may laman itong 20 grams ng shabu.

Facebook Comments