HULI | Transportation official na humingi ng suhol sa transport cooperative, pinakakasuhan na ni Secretary Tugade

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagsasampa ng kasong Administratibo laban sa isang transportation official dahil sa di-umanoy pagtanggap ng suhol sa isang transport cooperative.

Partikular na inatasan ni Secretary Tugade si Undersecretary for Legal Affairs and Procurement Reinier Paul Yebra para magsampa ng Administrative Case kabilang ang Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service laban kay Roberto Delfin, isang supervising transportation and development officer ng ahensiya.

Si Delfin ay nakatalaga sa Road Transport Planning Division.


Batay sa reklamo, tumanggap si Delfin sa pamamagitan ng kanyang aid na si Narciso Lim ng 150,000 pesos kapalit ng pag-aksyon ng DOTr sa application para sa Route Measure Capacity ng New Sunrise Transport Cooperative.

Ang nasabing halaga ay karagdagan sa iba pang regalo at pabor na hiningi at tinanggap ni Delfin sa transport cooperative kabilang ang escort services at all-expense paid accommodation sa isang pribadong resort.

Una nang pinatawan ni Usec. Yebra noong Enero 10 ng 90-day Preventive Suspension Order ng DOTr si Delfin habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Facebook Comments