NBA | Jason Kidd, sinibak bilang coach ng Milwaukee Bucks

NBA – Kumpirmado nang tinanggal bilang head coach ng Milwaukee Bucks si Jason Kidd.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bucks’ General Manager Jon Horst na kailangan ng koponan ng panibagong diskarte at liderato para maiangat ang laro ng mga player at maabot nila ang pangarap na makalaban para sa kampeonato ng liga.

Sa kabila nito, pinasalamatan at kinilala ng Milwaukee ang nagawa at naging kontribusyon ni Kidd para sa Bucks.


Mataas ang naging ang tiwala ng Bucks matapos ang 42-40 win loss slate noong nakaraang taon sa kabila na puro mga bata ang miyembro ng koponan.

Pero may 23-22 record lamang ang team ngayon at nasa pang walong puwesto sa Eastern Conference ng liga.

Si Joe Prunty muna ang magiging Interim Head Coach ng Bucks.

Facebook Comments