HULI | Tricycle driver na snatcher, arestado sa Makati

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Southern Police District (SPD) ang isang tricycle driver na snatcher nang hablutin nito ang cellphone ng isang accountant sa loob ng pampasaherong jeep sa Barangay Olympia, Makati City.

Nakilala ang suspek na si Belo Telan, 35-anyos, residente ng 2531 J. Posadas Street, Santa Ana, Manila.

Ayon sa biktimang si Raizer Joel Ratunil, 32-anyos na accountant at residente ng Pedro Gil Street, Santa Ana, Manila, sakay siya ng pampasaherong jeep at tinatahak ang kahabaan ng AP Reyes Avenue, Barangay Olympia, Makati papuntang Manila nang biglang bumuntot ang isang trycycle kulay pula na MAROTODA na may body number na 114 habang ginagamit niya ang kanyang cellphone biglang hinablot ng suspek pagkatapos humarurot papunta sa direksyon sa E. Pascua Street Barangay Kasilawan, Makati City.


Mabuti na lamang nagsagawa ng anti-criminality patrol si PO1 Aris Galarce at Bantay Bayan na si hinabol ang tricycle na sakay ang suspek na si Telan na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nabawi ang ninakaw nitong cellphone sa biktima.

Facebook Comments