HULICAM | 4, timbog matapos manghablot ng cellphone

7

Manila, Philippines – Arestado ang apat na binatilyo matapos manghablot ng cellphone ng isang babaeng pasahero ng jeep sa Tondo, Maynila.

Tondo, Maynila – sa kuha ng CCTV, makikita ang apat na kabataang na nagtatakbuhan.

Nahablot na pala ng mga kabataan ang cellphone ng biktima mula sa bintana ng jeep.

Ayon sa biktima, napilitan siyang habulin ang mga binatilyong snatcher dahil ipinahiram lang sa kanya ang dala niyang cellphone.

Isang tricycle driver naman ang nag magandang loob na isakay ang biktima kaya nahabol niya ang dalawa sa mga suspek sa Old Torres Street sa tulong na rin ng ilang residete roon.

Naaresto naman ng mga pulis sa follow-up operation ang dalawa pa nilang kasamahan.

Aminado naman ang apat na binatilyo na ninakaw nila ang cellphone para may perang mapaghati-hatian pero unang beses pa lang raw nilang ginawa ito.

Nabawi ng biktima ang nahablot na cellphone pero desidido ang biktima na magsampa ng reklamo laban sa apat na suspek.

Giit ng Manila Police District (MPD), marami pang kabataan ang miyembro ng grupong ito na sangkot sa panghahablot ng cellphone sa lugar.

Facebook Comments