BAWAL YAN! | Lalaki, huli matapos magpaputok ng baril

San Juan City – Arestado ang isang lalaki matapos magpaputok ng baril sa loob ng Greenhills Shopping Center sa San Juan City.

Ayon kay San Juan Police Chief Senior Superintendent Dindo Reyes, naniningil sa mga store owner ang suspek na nakilalang si Alvin Salik Baunto.

Aniya, nauwi sa pagtatalo at iringan ang paniningil ng suspek hanggang sa bumunot ito ng baril at paputukin ng tatlong beses paitaas.


Depensa ni Baunto, nagawa niyang bunutin ang kaniyang baril nang maramdaman niya na kukuyugin siya ng mga taong nakaaway niya.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa insidente.

Sabi ni Reyes, isa sa mga kakaharaping kaso ni Baunto ay illegal discharge of firearm.

Facebook Comments