HULICAM | P11,000 na cash at mga gadget, natangay sa isang lasing sa QC

Quezon City – Aabot sa P11,000 cash at mga gadget ang natangay ng isang kawatan sa isang tindahan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa biktimang si Daniel Cabuag, nakatulog siya dahil sa kalasingan habang binabantayan ang tindahan.

Batay sa kuha ng CCTV, isang lalaki na nagkunwaring customer at kunwaring magtatanong kahit sarado na ang tindahan.


Nang matiyak ng suspek na wala nang tao, pinasok nito ang tindahan.

Hindi naman nakilala ng mga opisyal ng barangay ang suspek na posibleng umanong dayo lamang sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay naghahanap na ang mga awtoridad ng mga saksi na puwedeng magturo sa suspek.

Facebook Comments