HULI | Top 4 most wanted sa Maynila, arestado

Taguig City – Naaresto na ng Manila Police Distort Station 7 ang top 4 most wanted personality sa ikinasang operasyon sa Tenement Compound, Western Bicutan, Taguig City.

Bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Honorable Judge Raymundo G. Vallega ng Regional Trial Court Branch 130 ng Caloocan City, inaresto ang 26-anyos na suspek na si John Henry Roque alyas Nonoy.

Matagal nang pinaghahanap ang suspek dahil sa kasong rape na ngayon ay residente ng J. Teodoro Street, Barangay 39, Caloocan City.


Nananatili ngayon sa custodial facility ang suspek habang hinahainan na ang three counts ng rape laban rito.

Facebook Comments