HULICAM | Pananapak ni PBA player Terrence Romeo sa isang babae sa nangyaring gulo sa isang bar, nakuhanan ng cellphone video

136

Manila, Philippines – Lumilitaw sa kuha ng isang cellphone video na sinuntok sa ulo ni Gilas Pilipinas basketball player na si Terrence Romeo ang babaeng si Maui Peliña.

Makikita rin sa video na inaawat ng bouncer at mga security ng Guilly’s Bar si Terrence habang sinusugod naman ng babaeng kanyang sinuntok sa ulo.

Ang video na ito ay kuha na sa labas na ng Guilly’s Bar sa Tomas Morato.

Ayon kay Clarissa Cabrera ang kumuha ng video, pinag-uumbag ng grupo ni Terrence hanggang gumulong sa sahig sa loob ng bar ang kanyang live-in partner na si Darwin Ikkho Peliña.

Kung pagbabasehan ang statement sa presinto ng magkabilang-panig, lumalabas na nainis ang grupo ni Terrence dahil nakapag-papicture at selfie na nga, inulit pa ni Darwin Peliña ang muling pagpapa-picture sa tinawag niyang kanyang idolo.

Sabi ni Peliña, dismayado siya sa inasal ng kanyang idolo sa larangan ng basketball.

Ayon kay QCPD station 10 investigator SP02 Ryan Jaramillo, nakainom ng alak ang nagka-engkwentrong grupo.

Pero dahil sa nagkaroon na ng amicable settlement sa pagitan ng dalawang grupo kaya at pinalabas din sa loob ng police station ang kontrobersyal na basketball player.

Matatandaang pumutok ang pangalan ni Terrence Romeo matapos itong masangkot sa bugbugan sa gitna ng ring sa laban nila sa Australian basketball team noong nakalipas na linggo.

Facebook Comments