Huling 30 araw ng kampanya, magiging ‘crucial’ sa mga kandidato – Pulse Asia

Aminado ang Pulse Asia na magiging ‘crucial’ ang huling 30 araw ng kampanya.

Ayon kay Pulse Asia Research Inc., President Ronald Holmes, posibleng magkaroon ng malaking pagbabago sa numero sa loob ng 30 araw na nakadepende kung paano babaguhin ng bawat kandidato ang kanilang diskarte.

Ang huling 30 araw kasi aniya ay parang huling dalawang minuto ng laro ng basketball.


Sinabi pa ni Holmes na ang huling 30 araw na kampanya ay magiging mahalaga dahil maaaring balikan ng mga kandidato ang kanilang mga naging mensahe at mapalaki pa ang kanilang suporta.

Kasabay nito, iginiit ni Holmes na hindi nagkakamali ang survey kasunod ng mga kritisismo ng ilang kandidato sa resulta ng kanilang survey.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nangunguna pa rin si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakakuha ng 56 percent.

Habang tumaas naman ng siyam na puntos si Vice President Leni Robredo, na nakakuha ng 24 percent mula sa 15 percent noong Pebrero.

Pumangatlo si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na mayroong 8 percent, sinundan ni Sen. Manny Pacquiao na may 6 percent at Sen. Panfilo Lacson na may 2 percent.

Facebook Comments