PSA, inilunsad ang PhilSys check para sa national ID verification

Maaari ng i-verify ng mga banking institution at iba pang establishments ang PhilSys national IDs gamit ang QR code system.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant National Statistician Fred Sollesta, 13 bangko ang bahagi sa pilot test run ng PhilSys Check QR Code, na magbibigay-daan para sa mabilis na pagberipika ng pagkakakilanlan ng mga rehistradong national ID cardholder.

Aniya, sa pamamagitan din nito ay makakapaglipat ng personal na data sa kanilang mga system nang hindi nangangailangan ng manual encoding.


Batay sa PSA, aabot na sa 9.1 million PhilIDs ang kanila ng nai-deliver habang nasa 62 million IDs naman ang kasakuluyang pinoproseso.

Facebook Comments