Huling araw ng Labi ni Jake Macadangdang| Araw ng Kanilang Kasal ni Zyrine Delmendo!

Cauayan City,Isabela – Unang dinala kaninang umaga sa Our Lady of Pillar Church ng Cauayan City, Isabela ang labi ni Jake Macadangdang kasama ang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan maging ang pamilya ni Zyrine Delmendo na nobya ni Jake Macadangdang.

Kasama rin sa pagsaksi at paghatid sa labi ni Jake ang kanyang kapatid na nakasakay na lamang ito sa kanyang wheelchair.

Hindi makapagbigay ng pahayag ang ama at ina ni Jake sa sobrang emosyonal dahil sa hindi inaasahang pagkawala nito sa edad na bente uno.


Samantala lahat ng dumalo sa libing ay nakasuot ng puting tshirt na may larawan ni Jake sa harapan at ang nakasulat sa likuran na “Justice for Jake”.

Pagkatapos sa simbahan ay dinala naman sa Aves Memorial Garden sa San Fermin, Cauayan City ang labi ni Jake kung saan dito gaganapin ang pagpapakasal ni Zyrine sa kanyang nobyo.


Facebook Comments