Huling araw ng National Vaccination Day, nagkaroon ng kaunting kalituhan sa venue ng pagpababakuna ng mga menor de edad sa Marikina City

Nilinaw ng pamunuan ng Marikina City government na ang mga nais na magpababakuna na mga pawang menor de edad na may edad na 12 hanggang 17 anyos ay inilipat na sa Sto. Niño Elementary School sa halip na sa Marikina Sports Complex Marikina City.

Alas-5:00 ng umaga pa lamang ay unti-unting dumarating ang mga kabataan na pawang mga menor de edad kasama ang kanilang mga magulang upang pagpaturok sa huling araw ng pagde-deklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng National Vaccination Day na magsimula noong November 29 hanggang ngayong araw December 1, 2021.

Pagdating ng mga menor de edad kasama ang kanilang mga magulang sa Marikina Sports Complex ay sinabihan sila na inilipat ang venue ng pagdadausan ng pagbabakuna sa Sto. Niño Elementary School.


Pawang mga adult lamang ang tuturukan ng Pfizer dito sa Marikina Sports Complex kung saan mayroong nakalagay na mga barangay na kanilang lalapitan gaya sa Barangay Concepcion 1, 2, Marikina Heights, Fortune, Parang, Nangka, IVC, Tumana, Jesus dela Peña, Malanday, Sto. Niño at Barangay San Roque.

Una nang sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Marcy Teodoro na target nilang mababakunahan ang 2,500 na mga indibidwal na pawang mga menor de edad.

Facebook Comments