Huling araw ng paghahain ng withdrawal at substitution para sa mga tatakbo sa election 2022 naging mapayapa ayon sa PNP

Generally peaceful ang huling araw ng paghahain ng withdrawal at substitution ng mga kandidato para sa eleksyon 2022.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Dionardo Carlos, walang naitalang major untoward incident ang PNP.

Kaya nagpapasalamat siya sa Commission on Election (COMELEC) dahil sa maayos na sistema na ipinatupad sa lahat ng mga COMELEC offices kaya naging maganda rin ang latag ng seguridad ng PNP.


Maging ang pagpapatupad ng minimum health protocols aniya sa mga tanggapan ng COMELEC ay maayos na naipatupad.

Umaasa si PNP chief na ganito rin ang mangyayari sa campaign period at election day sa May 2022.

Facebook Comments