Mahigit 2,700, bagong gumaling sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 2,759 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,750,531 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 1,190 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,821,494 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 0.8% o 23,846 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

309 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 46,111 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments