General Santos City—Inaasahang dadagsain ng mga botante ang huling araw ng Voters Registration ng Comelec ngayong araw dito sa Gensan. Ito ang sinabi ni Atty. April Miguel, Election Officer ng Comelec Gensan.
Napag-alaman na simula kahapon hindi sa tanggapan ng Comelec Gensan isinagawa ang Voters Registration at iba pang transaksyon sa Comelec sa halip sa mall ito ginawa.
Layon nito para mabigyan ng mas magandang serbisyo at mapabilis ang mga transaksyon ng mga botante sa huling araw ng Registration.
Ayon kay Atty. Miguel na masyadong mallit ang espasyo ng kanilang tanggapan at siguradong maggitgitan ang tao kung doon nila gagawin ang huling araw ng Registration.
Samantala sinabi ni Miguel na kung sakaling hindi sapat ang oras hanggang alas 5:00 mamayang hapon at marami pa rin ang gustong magpaparehistro handa umano silang mag-extend ng ilang oras upang masilbihan ang lahat ng humabol sa last day ng Registration.