Huling bahagi ng PMA entrance exam, idinaraos ngayong araw

Isinasagawa ang last part ng Philippine Military Academy (PMA) entrance examination para sa Luzon ngayong araw hanggang bukas, Linggo.

Sa abiso mula sa Armed Forces of the Philippines, idinaraos ang eksaminasyon sa 24 na testing centers kabilang na ang Camp General Emilio Aguinaldo High School sa Quezon City, Philippine Air Force Gymnasium sa Pasay City, Philippine Army Grandstand sa Taguig City at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila para sa mga examinees dito sa Metro Manila.

Ayon kay AFP public affairs office chief, Col. Jorry Baclor, ang mga applicants na mayroong permit ay kanilang ipaprayoridad pero tatanggap din sila ng walk in.


Kinakailangan lamang magdala ang mga ito ng birth certificate, kopya ng kanilang grado para sa senior high school graduate o college students, 2×2 picture, valid identification, lapis, vaccination card at valid antigen test at kinuha sa nakalipas na 24 oras.

Kinakailangan ding natural born Filipino citizen; physically fit, mayroong good moral character; single hindi pa ikinakasal, hindi nagdadalang tao, walang nakabinbing kaso, 5ft ang height, atleast 17 y/o at hindi lalagpas ng 22y/o.

Una nang nakapag exam ang mga applicants sa Visayas at Mindanao kung saan nasa 9,444 ang kumuha ng pagsusulit.

Dito sa Luzon ang pinaka maraming kukuha ng exam na umaabot sa 26,443.

Facebook Comments