Amerika – Inihatid na sa huling hantungan ang namayapang tanyag na British physicist na si Stephen Hawking.
Nakikilala si Hawking dahil sa kaniyang mga pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng universe, time travel at black hole sa kalawakan.
Halos buong buhay niya ay naging paralisado ang kaniyang katawan dahil sa Amyotrophic Lateral Sclerosis o ALS.
Pinamalamutian ng white ‘universe’ lilies at white ‘polar star’ roses ang kabaong ni Hawking na bitbit naman ng pallbearers mula sa University of Cambridge kung saan siya nagtatrabaho.
Nasaksihan ang paglilibing kay Hawking ng kaniyang mga tatlong anak at daan-daang tao.
Dumalo rin ang aktor na si Eddie Redmayne na gumanap sa pagkatao ni Hawking sa 2014 film na ‘The Theory of Everything’.
Ang mga abo ni Hawking ay ilalagay sa Westminster Abbey sa Hunyo kung saan mahahanay sila sa ilang popular na scientist sa kasaysayan tulad ni Isaac Newton at Charles Darwin.