SURVIVOR | Beauty Queen Actress na si Bianca Manalo at kasintahang si Antique Mayor Jonathan Tan, ibinahagi ng kanilang karanasan matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka

641

Manila, Philippines – Emosyonal pa rin ang boyfriend ni Beauty Queen Actress Bianca Manalo na si Antique Mayor Jonathan Tan nang ikwento ang traumatic experience nila nang lumubog ang kanilang bangka sa gitna ng karatagan noong Huwebes Santo.

Ayon kay Mayor Tan, papunta sana sila sa Marsarison Island sa bayan ng Culasi nang tumaob ang sinasakyan nila ng girlfriend na si Bianca at ng mga kasamahan na sina Ehra Madrigal at asawa nitong si Tom Yeung, Joyce Mallari at dalawang anak nito, Majel Tresche, Torrebeo Barrientos at si Benni Dable na pinsan ni Mayor Tan.

Halos dalawang oras na nilangoy ni Mayor Tan ang apat na kilometro para makahingi ng tulong sa mga mangingisda malapit sa pampang.

Agad na na-rescue ang mga kasamahan nito, pero nabigo silang isalba ang kanyang pinsan na si Dable.

Facebook Comments