Huling hirit ng 25th Shell National Youth Chess Championships, gaganapin na sa Linggo

Manila, Philippines – Inaasahan ang mainit na bakbakan ng mga promising chess player mula sa ibat-ibang panig ng bansa sa huling edisyon ng Shell National Youth Chess Championships.

Pagkatapos kasi ng 25 taon, pormal na magpapaalam ang torneyo na malaki ang naitulong para sa pagpapalaganap ng larong chess at pagtuklas na rin sa mga magagaling na batang chess player.

Inaasahan na darating din sa torneyo ang mga Grandmaster, Woman GM at International Master na nagsimula at sumikat sa mga naunang edisyon ng Shell National Youth Championships.


Gagawin ang torneo sa Music Hall of SM Mall of Asia sa Pasay City.

Facebook Comments