Huling reunion concert ng Eraserheads, all-set na!

All-set na ang lahat para sa inaabangang reunion concert ng legendary OPM band na Eraserheads mamayang alas-8:00 ng gabi.

Gaganapin ang “Huling El Bimbo” concert sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque.

Alas-2:00 pa lang ng hapon, pinapasok na ang mga concertgoer para maiwasan ang mahabang pila at overcrowding.


Makaka-jamming ng E-Heads sa kanilang concert ang ilang malalaking OPM artist gaya nina Pure Energy Gary V., Jazz Nicolas ng Itchyworms, Mikey Amistoso ng Ciudad, Audrey Dionisio ng General Luna, ang namayapang si Francis M. via hologram at ang Asosasyon ng Musikang Pilipino o A.M.P. Orchestra.

Una nang ipinangako ng concert producer na si Francis Luman na bibigyan nila ang E-Heads fans ng “one last epic show” dahil ito na ang magiging final reunion concert ng banda.

Taong 1989 nang mabuo ang Pinoy rock band na itinuturing na isa sa mga “most influential OPM band” na tumugtog sa loob ng isang dekada bago na-disband noong 2002.

Facebook Comments