ERC, naghain ng petisyon sa CA laban sa TRO ng SPPC

Naghain ng petisyon ang Energy Regulatory Commission o ERC sa Court of Appeals upang harangin ang pagpapalabas ng temporary restraining order na pumapabor sa isa pang power unit ng San Miguel Corporation.

Ito ang kinumpirma ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta kung saan naghain din aniya ng kaparehong petition ang Meralco sa CA.

Nitong Nobyembre nang nagpalabas ang CA ng TRO na pumapabor sa South Premiere Power Corp. para pansamantalang suspendihin ang power supply agreement nito sa Meralco sa loob ng 60 araw.


Ito ay matapos na tanggihan ng ERC ang hiling ng SPPC na magtaas ng singil sa kuryente upang mabawi ang tumataas na gastos sa langis.

Facebook Comments