Huling SONA ni Pangulong Duterte, dapat nakatuon sa pagbagon ng bansa mula sa pandemya – VP Robredo

Umaasa si Vice President Leni Robredo na maririnig niya sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magiging hakbang ng bansa tungo sa pagbangon mula sa COVID-19 pandemic.

Hiling ni Robredo, maging totoo ang pamahalaan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Idinagdag pa ng bise presidente na dapat magkaroon ng realistic at honest assessment tungkol sa mga pagkukulang ng pamahalaan at mga problema.


Mahalaga aniyang mapakinggan kung paano uusad ang bansa mula sa pandemya.

Dapat ding mabanggit sa SONA ang vaccine supply, at plano ng pamahalaan para sa mga nawalan ng kabuhayan.

Kinumpirma rin ni Robredo na dadalo lamang siya sa SONA sa pamamagitan ng teleconferencing platform na Zoom at wala naman siyang problema rito.

Facebook Comments