Robredo, umaasang hindi maranasan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pinagdaanan bilang VP

377

Hiling ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mabuti sakaling ipursige niya ang pagtakbo sa pagkabise presidente sa darating na May 2022 elections.

Umaasa si Robredo na hindi maranasan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pinagdaanan bilang pangalawang pangulo.


“Kung halimbawa tumakbo siya, manalo siya, ang wish ko lang sa kanya sana hindi niya pagdaanan iyong pinagdaanan ko habang VP ako,” ani Robredo.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na tatakbo siya bilang bise presidente para makaiwas mula sa mga kaso dahil sa immunity.

Facebook Comments