Huling tranche ng Sinovac vaccine ngayong buwan, dumating na sa bansa

Eksaktong alas-7:36 kaninang umaga, dumating sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese firm na Sinovac.

Sinalubong ni Health Secretary Francisco Duque III at DOTr Secretary Arthur Tugade ang huling tranche ng biniling bakuna ngayong buwan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 na inihatid ng Cebu Pacific Flight 5J671.

Sa kabuuan, umabot na sa 5.5 million doses ng Sinovac ang dumating sa bansa kasama na ang isang milyong doses na donasyon ng Chinese government.


Ayon kay Philippine Ambassador to Beijing Chito Sta. Romana, may mga ide-deliver pang suplay ng Sinovac sa Hunyo at sa mga susunod na buwan.

Idinagdag naman ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na sa kabila ng puspusang global vaccine distribution ay bumibilis na rin ang local vaccination sa China.

Paliwanag ni Xilian 400 million doses na aniya ang naiturok sa mga residente doon bagama’t malayo pa ito sa populasyon na nasa 1.4 billion.

Facebook Comments