Unang rollout ng pagturok ng Pfizer vaccine sa Marikina City, umarangkada na

41

Nag-umpisa na ang pagturok ng Pfizer vaccine ngayong araw sa lungsod ng Marikina.

Pasado alas-7:30 kaninang umaga ng bukasan ang vaccination center ng lungsod na para lang sa Pfizer na brand ng bakuna laban sa COVID-19.


Lahat ng pipila dito sa ay mga residente ng lungsod na kabilang sa priority group A1 na medical frontliners, A2 na senior citizens, at A3 na persons with comorbidities na pinili nila ang Pfizer na brand ng COVID-19 sa pre-registration para sa COVID-19 vaccination registration.

Facebook Comments