HUMABOL | Mga abogado ni dating CJ Sereno, naghain ng motion for reconsideration sa quo warranto case

Manila, Philippines – Humabol sa huling araw na itinakda ng SC ang Kampo ni Dating CJ Maria Lourdes Sereno para sa kanilang motion for reconsideration sa naging ruling ng SC en banc noong Mayo a-onse sa Quo warranto case

Hindi na nagtungo sa SC si Sereno at sa halip ang mga abogado na lamang nitong sina Atty. Justin C Mendoza at
Atty. Jayson C. Aguilar ang nag-file ng mahigit 200-pahinang motion for reconsideration

Magugunitang 8-6 ang naging boto ng mga mahistrado na pumapabor sa Quo warranto petition ng Office of the Solicitor General


Bukas ay haharap sila sa isang press conference ang kampo ni Sereno para idetalye ang nilalaman ng kanilang motion for reconsideration

Facebook Comments