Human-rights based na tugon sa COVID-19 pandemic, inihirit sa pamahalaan ng CHR

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa administrasyong Duterte na gumamit ng human-rights based na tugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann De Guia, sa panahon ng pagpapairal ng community quarantine, dinadagsa sila ng reports ng mga panghuhuli ng mga otoridad at isinasailalim sa hindi makataong pagpaparusa ang quarantine violators.

Aniya, dapat tratuhin ang sitwasyon bilang health crisis.


Sa halip aniya na harapin ang sitwasyon sa peace and order approach, dapat na ikonsidera ang human rights dimensions ng pandemya.

Sa panahong ito na lahat ay nahihirapang labanan ang virus at kagutuman, kinakailangan aniyang mas maging maawain at maunawain ang mga otoridad sa mga bulnerableng sektor.

Nagpaalala ang CHR sa government officials na gampanan ang kanilang gawain alinsunod sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ito’y upang kilalanin din ang sa pagkilala sa demokratikong kaugalian at pamumuhay ng publiko.

Facebook Comments