Nanawagan sa International Criminal Court (ICC) ang isang human rights coalition na ipagpatuloy na ang imbestigasyon sa giyera kontra iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) Chairperson Peter Murphy, dismayado sila sa pansamantalang pagpapatigil ng ICC-Office of the Prosecutor ng kanilang pag-iimbestiga.
Iginiit ni Murphy na ang pagkakaantala ng imbestigasyon ay isang pagtatraydor sa mga indibidwal na walang takot na isina-alang-alang ang kanilang buhay para makapagbigay ng ebidensiya sa mga sinasabing crimes against humanity.
Kasunod nito, sinabi ni Murphy na patuloy pa rin siyang naniniwala sa pagiging patas ng ICC at muli siyang nanawagan na imbestigahan na ang administrasyon upang maibigay na ang hustisya sa mga pamilya ng mga nasawing biktima.
Gayunman, nanindigan ang Malacañang na walang hurisdiksyon ang ICC sa gobyerno ng Pilipinas sa kabila ng paghiling nila dito na itigil na ang imbestigasyon.