Ikinagalak ng human rights group na Karapatan ang pagboto sa Iceland resolution na naglalayong imbestigahan ang human rights situation sa Pilipinas.
Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ng Karapatan na isa itong positibong hakbang para sa paghahanap ng hustisya at accountability o pagpaparusa sa mga nagkasala.
Ayon sa grupo, umaasa sila na igagalang ng administrasyong Duterte ang resolusyon at bukas na makipagtulungan sa UN mechanisms.
Dapat ibukas ang bansa sa independent na imbestigasyon ng mga UN experts.
Nagbabala ang grupo na posibleng lalong mahiwalay sa international community ang Pilipinas kung magmamatigas ito at babalewalain ang resolusyon ng UNHRC.
Facebook Comments