Binabalikan ngayon ng Human Rights group na KARAPATAN ang kanilang records upang masuri kung nakinabang sa Good Conduct Conduct Time Allowance o GCTA law ang mga tinatawag na bilanggong pulitikal.
Tugon ito ni Vice Chairperson Reylan Vergara sa pinalulutang na mga makakaliwang mambabatas ang nagsulong ng GCTA law para mapakawalan ang mga naarestong political prisoners.
Ayon kay Reylan, hindi dahil sa GCTA kaya napakawalan ang mga NDF consultants kundi dahil ibinunga ng mga naunang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Sa katunayan aniya, 525 na bilanggong pulitikal ang nananatili pa sa bilangguan.
Ani Reylan, mga gawa- gawang kaso ang kinakaharap ng mga aktibista at hindi kasong rape at murder na katulad ng kay dating Mayor Antonio Sanchez.