Human Rights Lawyer – umaasang aaksyunan pa rin ng ICC ang mga reklamo isinampa sa kabila ng pagkalas ng Pilipinas sa International Treaty

Tiwala ang Human Rights Lawyers na aaksyunan pa rin ng International Criminal Court (ICC) ang mga kasong isinampa sa mga opisyal ng gobyerno.

Ito ay matapos maghain ng reklamo si Atty. Jude Sabio Laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.

Ipinaubaya ni Sabio sa korte ang magiging aksyon sa nasabing isyu sa kabila ng pagkalas ng Pilipinas sa International Treaty.


Ayon naman kay Chr Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, maituturing na pag-urong sa nilalayong hustisya para sa lahat ang pagbawi ng suporta sa ICC.

Aniya, sa huli ay mamamayan pa rin ang madedehado kung hindi magpapasakop ang bansa sa international body na nagsusulong sa karapatan ng tao.

Magiging epektibo na ang pagkalas ng Pilipinas sa kasunduan ngayong buwan matapos itong i-anunsyo ng Malacanang.

Facebook Comments