Human rights mobile application, ilulunsad ng PNP

Manila, Philippines – Nakatakdang ilunsad ngayong araw ng Philippine National Police ang kauna-unahang human rights mobile application na “know your rights” mobile application

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Human Rights Consciousness week.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, ang mobile application na ito ay maaring ma-download sa google play store para sa mga android mobile device users.


Sa pamamagitan aniya ng application na ito lahat ng human rights advisories at policies na binuo ng PNP kasama na ang bagong Miranda Warning pocket card at Anti-torture reminders ay maari nang mabasa.

Magagamit din daw ito ng mga police officers sa pagsasagawa ng anti criminality, corruption at illegal drugs kahit na sa mga malalayong lugar dahil makaka-access sila dito ng walang internet connection.

Facebook Comments