Sibilyan naipit sa bakbakan ng Army ayt BIFF, 2 patay 7 sugatan

Patay ang dalawang sibilyan, 7 iba pa ang sugatan matapos madamay sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga elemento ng 40th IB at mga pinaniniwalaang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa Sitio Bacong Brgy Tinambangan Shariff Aguak Maguindanao pasado alas 8 kagabi.
Kinilala sa report ng Shariff Aguak PNP ang mga namatay na sina Unti Kamama 60 year old at Mohammad Kamama 13 anyos habang sugatan sina Aila Amor 25, Tukay Kamama, 26, Ana Tukay 2, Buto Tukay 3, Bai Tukay 4 anyos, Bai Ela Tayog 6 mga residente ng lugar , sugatan rin ang sundalong si PVT Clinton Vigor na elemento ng 40th IB.
Sinasabing ang BIFF ang umatake sa Army Detachment ng 40th IB sa panayam kay 6th CMO Chief Col. Gerry Besana.Tahasan namang inamin ni Abu Misrie Mama, Spokesman ng BIFF Bonggos Faction na sila ang nakasagupa ng military.
Kasalukuyang inoobserbahan ang sitwasyon ngmga naging wounded habang patuloy na binabalot ng takot ang lugar. Patuloy namang nakaalerto ang buong elemento ng 6th ID kasabay ng banta ng mga armado .

FILE PIC

Facebook Comments