Human Rights Office ng AFP, iginiit na may hurisdiksyon ang CHR sa mga reklamo laban sa CPP

Saklaw ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga reklamo laban sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ito ang iginiit ni Colonel Joel Alejandro Nacnac, Chief ng Human Rights Office ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, hindi dapat pangunahan ng CPP ang gagawing imbestigasyon ng CHR dahil kung makikialam sila ay lalabas na tila tinatakot nila ang CHR.


Paliwanag niya, kaya tumutulong ang AFP sa paghahain ng reklamo sa CHR laban sa CPP ay dahil hindi alam ng mga biktima ng paninira ng mga ari-arian ng New People’s Army (NPA) kung saan sila magrereklamo.

Batay sa huling datos ng AFP, 532 insidente na mga pag-atake sa sibilyan at ari-arian ang ginawa umano ng mga komunistang terorista simula 2010 at kanila itong pinaiimbestigahan.

Nakasaad aniya sa RA 9851, ang CHR ay isa sa mga national agencies na naatasang mag-imbestiga sa mga paglabag sa international humanitarian law, genocide at crimes against humanity.

Facebook Comments