HUMAN RIGHTS VIOLATION | Pangulong Duterte – Inireklamo ng isang grupo sa United Nations

Manila, Philippines – Inireklamo ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment and Indigenous People sa United Nations si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Leon Dulce, national coordinator ng Kalikasan – dahil ito sa kabiguan ng Pangulo na pigilan ang paglabag sa karapatang pantao at pagkasira ng kalikasan sa Nueva Vizcaya.

Akusa ng grupo, hinayaan ng Pangulo ang patuloy na operasyon ng Canadian mining firm na Oceanagold kahit sinuspinde na ito ni dating Denr Sec. Gina Lopez noong February 2017.


Target din anila ng militarisasyon ng Administrasyong Duterte ang mga katutubong tutol sa operasyon ng nasabing kompanya.

Ibinahagi ng grupo ang dinanas na paglabag sa karapatang pantao ng mga katutubo na kagagawan umano ng militar at kung paano nasira ang kanilang lugar dahil sa expansion ng mining firm.

Kaugnay nito, umapela rin ang National Union of People’s Lawyer (NUPL) sa un na imbestigahan ang reklamo at papanagutin ang Pangulo.

Facebook Comments