TINUTUTUKAN | Trillanes, mahigpit na binabantayan ng PNP habang hinihintay ang warrant of arrest laban sa Senador

1846

Manila, Philippines – Binabantayan na ng Philippine National Police ang kinaroroonan ni Senador Antonio Trillanes IV habang hinihintay ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ito ay matapos ipag-utos ni Davao RTC branch 54 Judge Melinda Alconel-Dayanghirang ang pag-aresto sa Senador dahil sa kasong libel na isinampa sa kanya ni Paolo Duterte.

Ayon kay NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar – NGAYONG weekend o bukas, posibleng matanggap nila ang kopya ng warrant of arrest.

Gayunman, hindi naman na raw kailangang maghigpit ng seguridad sa Senado.

Nagpahayag naman daw kasi si Trillanes na kusang-loob na susuko at dadaan sa mga proseso gaya ng ginawa nito sa kanyang kasong kudeta.

Tiwala din si Eleazar na hindi ba-biyahe abroad ang Senador sa December 11 nang hindi ito nakakapaghain ng piyansa.

Nasa P24,000 ang inirekomendang piyansa ng korte kay Trillanes.

Facebook Comments