Kailangan ng ma amyendahan ang Human Security Act.
Ito ang iginigiit ni AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo kasunod ng pinakabagong insidente nang pambobomba sa Sulu.
Aniya napapanahon nang muling pag aralan ang kanilang rekomendasyon para punan ang kakulangan at limitasyon na nakapaloob sa probisyon ng batas.
Paliwanag nya, dapat nang alisin ang multa na P500,000 laban sa mga law enforcers na nagkamali sa pag aresto ng suspected terrorist at dapat ding palawigin ang detention sa mga ito ng hanggang 30 araw.
Sa pamamagitan umano kasi nito ay mas mapro-protektahan nila ang bansa at mapipigilan ang bagong mukha ng terorismo na suicide bombing.
Facebook Comments