Human to human transmission ng nCoV hindi pa naitatala sa Pilipinas

Wala pang naitatalang human-to-human transmission ng novel coronavirus sa Pilipinas

Ito ang inihayag ni Director Celia Carlos ng Research Institute for Tropical Medicine sa laging handa press briefing sa Malakanyang.

Ginawa ni Carlos ang pahayag matapos maitala ang unang nasawi sa nCoV sa katauhan ng isang 44 year-old male Chinese patient sa San Lazaro Hospital nitong Sabado.


Ang nasabing pasyente ay kasama ng 38-year-old female Chinese national na unang kumpirmadong kaso ng nCoV sa Pilipinas.

Kasunod nito tiniyak ni Carlos na wala pang community transmission ng nCoV at nasa containment stage tayo sa ngayon.

Kung kaya at malaking tulong aniya ang pagtukoy sa mga indibidwal na posibleng carrier ng sakit sa pamamagitan ng contact tracing at self-quarantine sa loob ng 14 na araw.

Ang mga nagbiyahe aniya mula sa China, Hong Kong at Macau ay required na mag-quarantine, magsuot ng mask at palagiang i-check ang body temperature at agad pumunta sa ospital kapag nakaranas ng respiratory problems.

Facebook Comments