Tanay, Rizal – Tatlong suspek sa human trafficking ang inaresto ng NBI sa Tanay, Rizal.
Kasabay nito ang pagkaka-rescue sa apat na kababaihan na nabiktima ng mga suspek.
Kinilala ang mga naaresto na sina Fernando Padua, Jose Ademar Padua at Rowena Jesuitas Valdez.
Nabatid na ang Keno Lodge ay ginagamit ng mga suspek na prostitution den para sa mga kababaihan na binabarayan ng isang libong piso.
Nagsagawa muna ang NBI ng serye ng surveillance bago ikinasa ang entrapment operation laban sa mga salarin.
Ang mga naaresto ay isinailalim na sa inquest proceedings ng Associate Rizal Provincial Prosecutor sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at paglabag sa Special Protection Against Child Abuse, Exploitaion and Discrimination Act.