Human trafficking at online scamming activities sa loob ng isang village sa Parañaque City, pinaiimbestigahan na rin ng isang senador

Ipinasisilip na rin ni Senator Sherwin Gatchalian sa Senado ang umano’y human trafficking at online scamming activities sa loob ng Multinational Village sa Parañaque City.

Kasunod ng imbestigasyon ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub sa Tarlac ay nakatanggap naman ng liham ang tanggapan ni Gatchalian mula sa grupo ng mga homeowners sa Multinational kung saan umaapela sila sa mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon sa sinasabing paglaki ng populasyon ng mga kahina-hinalang foreign nationals sa kanilang komunidad.

Batay aniya sa mga homeowners, sa loob ng Multinational Village ay matatagpuan ang tinatawag na “City Garden” na pinupuntahan ng mga dayuhan at nakatira ang nasa 50 foreign nationals na nagsisiksikan sa nirerentahang housing units.


Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan na malaman ang mga lapses at butas sa proseso ng gobyerno at pambansang seguridad na naging daan sa pagtaas ng krimen na karamihang kinasasangkutan ng mga foreign nationals na isang seryosong banta sa seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino.

Tinukoy ng mambabatas na kamakailan lang ay sinalakay ng mga otoridad ang isang bahay sa Tejeran Street sa loob ng village na nagresulta sa pagkakadakip ng 10 Chinese nationals na umano’y sangkot sa scam tulad ng cryptocurrency scams.

Facebook Comments