Humanitarian Assistance and Disaster Response efforts para sa rehiyon ng Davao, patuloy na isinasagawa ng Philippine Army

Patuloy ang isinasagawang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) efforts ng 10th Infantry “Agila” Division sa buong rehiyon ng Davao.

Kasunod ito ng sunud-sunod na pagtama ng malalakas na lindol na yumanig sa Mindanao noong mga nakaraang araw.

Ang HADR teams ng Philippine Army ay nakikipagtulungan sa Office of Civil Defense (OCD) Region 11, local government units (LGUs), at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Layon nito na masiguro ang kaligtasan at ang agarang relief at rehabilitation ng mga apektadong komunidad.

Facebook Comments