*Manila, Philippines – Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng humanitarian assistance ng Philippine Red Cross sa mga apektadong residente ng nag-aalburotong bulkang Mayon.*
*Sa katunayan ayon sa PRC, inumpisahan na ang construction ng 10 latrines o comfort rooms sa ibat ibang evacuation areas na sakop ng munisipalidad ng Guinobatan at Malilipot, Albay.*
*Plano ding magtayo ng Red Cross ng mga latrines sa Gabawan Elementary School at Comun Elementary School. *
*Simula kasi nang mag alburoto ang Mayon nitong Jan 13 marami ng mga apektadong residente ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centres kung saan pangunahing problema ang hygiene bunsod ng kakulangan ng mga palikuran.*
*Sa datos ng PRC, as of Jan 29 nasa 82,400 individuals na ang pansamantalang sumisilong sa 79 na evacuation center.*