Marawi City – Nagpatupad ng tigil-putukan ang militar sa Marawi City ngayong araw.
Ito’y bilang pagsuporta at paggalang sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng ramadan ng mga muslim.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson brig. Gen. Restituto Padilla, walong oras na magpapatupad ng “humanitarian pause” ang militar na nagsimula na kaninang alas 6:00 nang umaga at tatagal hanggang alas 2:00 nang hapon.
Kaugnay nito, pansamantala munang itinigil ng mg atropa ng gobyerno ang opensiba nito laban sa Maute Terror Group kabilang ang pagsasagawa ng airstrike.
Pero paglilinaw ng AFP, agad na aalisin ang humanitarian pause kung biglang magsagawa ng pag-atake ang mga terorista.
Ito’y para matiyak na mananatiling ligtas ang mga taga-Marawi mula sa anumang banta sa seguridad.