Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mas palalakasin pa ang pagbibigay ng pinakamahusay na humanitarian service sa mga taong nangangailangan sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo nito.
Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni PRC Chairman Sen. Richard Gordon na lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga boluntaryo at kawani sa buong bansa na nagsakripisyo at nakipaglaban sa COVID-19 pandemic.
Aniya, isa ang Philippine Red Cross sa mga nakatulong sa pamahalaan para labanan ang COVID-19 kung saan nakapagsagawa ng mahigit limang milyong testing, nakapagpatayo ng 14 molecular laboratories at nakapagbakuna ng mahigit milyong indibidwal.
Ayon pa Gordon, mananatiling mandato ng PRC ang “volunteers plus logistics plus information technology” at “always first, always ready and always there”.