Pinangunahan ni Dir. Archie A. Grande, Regional Director, TESDA RO2 ang Recognition Rites ng PSBRC 2021-02 “Sandatag” na makasaysayang pagtatapos para sa mga bagitong pulis.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/LTCol. Efren Fernandez, Public Information Officer ng PRO2, umabot sa 4 hanggang 5 buwan ang ginawang pagsasanay ng mga bagitong pulis na haharap sa hamon ng pagiging isang lingkod bayan.
Ayon kay Fernandez, ang ilan sa mga sobrang bilang na nakalaan para sa rehiyon dos ay madedestino sa National Capital Region (NCR).
Aniya, magtutuloy-tuloy naman ang academic ng mga baguhang pulis gaya ng physical requirements, test o tinatawag na non-academic subject at mga skills na kailangang mapanatili tulad ng tamang paggamit ng baril at marami pang iba.
Samantala, pansamantalang itinigil ang recruitment para sa dagdag na pwersa ng pulisya dahil sa ilang panuntunan noong panahon ng halalan maging ang nangyaring change of leadership kung saan limitado lang ang kakayahan ng isang officer-in-charge ng PNP batay sa mandato ng Civil Service Commission.
Paalala naman nito sa mga bagitong pulis na huwag sayangin ang pinaghirapan sa pagpasok sa serbisyo bagkus gamitin ito sa tama at maglingkod ng tapat sa bansa.